TES (Tertiary Education Subsidy Program)
- Isa sa mga programa ng RA 10931 (Universal Access to Quality Tertiary Education Act).
- Ang TES ay isang grant-in-aid program ng gobyerno upang suportahan ang halaga o bahagi ng gastusin ng mga studyante sa kanilang pag-aaral sa kolehiyo.
Sino ang maaaring mag-apply ng TES?
- Filipino citizen
- Kwalipikado sa admission at retention requirements ng HEI at hindi pa lumagpas sa Maximum Residential Policy nito;
- Enrolled sa mga HEI at programang kasama sa CHED Registry
Sino ang may priyoridad sa TES?
Dahil limitado ang pondong nakalaan sa TES, ang pamamahagi nito ay nakabatay sa sumusunod na kategorya:- Kasalukuyang TES grantee at mga benepisyaryo ng ESGPPA,
- Estudyanteng naka-enroll sa isang pribadong HEI sa munisipyo o siyudad na walang SUC o LUC sa lugar,
- Estudyanteng kasama sa Listahanan 2.0 ng DSWD-National Household Targeting Office, na naka rank ayon sa estimated per capita household income
PAANO MAG APPLY SA TES?
Pagkatapos na mag-enroll, makipag ugnayan sa TES Focal Person (Registrar) o maaaring pumunta sa Records and Admission Office H.Ed. (RAO) tungkol sa proseso ng pag aapply sa TES Portal.You may also apply for financial/educational assistance at:
- Provincial Government of Aurora (PGA)
- Tulong Dunong Program (TDP) of CHED – Office of the Congressman