Maria aming ina
Igawa mo ako ng pusong mapagpakumbaba at payak
Na patuloy na naghahanap sa Panginon.
Igawa mo ako ng pusong matatag at marangal
Na hindi pinanghihinaan ng loob
Sa mga pagkatalo at pagkabigo.
Isang pusong hindi nagtatanim at marunong magpatawad
Na kung hindi nauunawaan ay mananatili pa ring tapat.
Igawa mo ako ng isang pusong marunong dumamay sa paghihirap ng iba
Pusong marunong magpahalaga sa mumunting biyaya ng pag-ibig
Pusong patuloy na nagbibigay kahit pasakitan at talikdan ng iba
Pusong buong laging naglilingkod, para sa bansa at sambayanan ng Diyos
Pusong kailanman ay hindi mawawalan ng pag-asa sa mga nagbabantang pagsubok
O Maria, Ina ng Diyos at aking Ina
Ihubog mo ako ng pusong katulad ng kay Kristo
Puno ng pag-ibig ng Ama at para sa lahat
Isang pusong pinaghaharian ng Espiritu ng pag-ibig.
Amen.
